Chapter 67

2797 Words

HINDI na bumalik si Aliya sa restaurant at nagreklamong masakit ang kaniyang tiyan. Nauna na silang lumabas ni Alejandro. Tinawagan na lamang nito si Enel na magpaalam na kay Romano. Doon na sila naghintay sa labas. Gusto pa sana niyang malibot ang lugar kaso mas panatag siya kung aalis na sila. Hawak ni Enel ang susi ng kotse kaya hindi sila makapasok. Ilang minuto pa bago lumabas ang mga ito at saka lang sila nakasakay ng kotse. “Sabi mo ipapasyal mo ako,” sabi niya kay Alejandro nang lulan na sila ng kotse. “Masakit ang tiyan mo, ka’mo. Uuwi na tayo,” anito. “Ano, medyo kumalma na ang sakit. Nalamigan lang ata kasi sobrang ginaw sa loob ng restaurant kanina,” palusot niya. “Are you sure?” “Oo. Bili na lang tayo ng gamot.” “Okay, pero uuwi muna tayo dahil ihahatid natin sina Enel

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD