ILANG minutong nagtatago lang si Aliya kasama si Alejandro sa loob ng isa pang stock room na puro gamit panlinis ang laman. Kausap nito si Chase sa kabilang linya at siya ang nakasilip sa siwang ng pinto. Nasa labas si Russo at sniper at iniisa-isang pinapatulog ang mga kalabang nagagawi sa kanilang puwesto. “Okay. We just got inside the building. Sinabihan ko na sina Vladimir at Yoshin na atakehin na ang mga kalaban sa labas para makapasok na rin sila. Our goal was to save the women and other slaves. Then, surrender the area to the police,” sabi ni Alejandro sa kausap. Nang sumenyasna si Russo na puwede na silang lumabas, binuksan na niya ang pinto at lumabas. Sumunod naman sa kaniya si Alejandro. Nauna si Russo at na-secure na nito ang daan nila. Backup naman nila ang isang sniper per