ALAS-DOSE na ng gabi ay dilat pa ang mga mata ni Aliya. Ka-chat niya si Enel at kinumpirma rito ang pangalan ng resort na binaggit ng nanay niya. Pareho nga iyon sa target nila Alejandro. May international branch ‘yon at pareho ng pangalan. Hindi naman puwedeng magkaparero ng business name at ibang detalye kaya walang duda. May ideya na siya kung saan ang nanay niya. Maaring hindi ito mismo sa resort nagtatrabaho. Naglalaba at nag-aasikaso ng mga gamit sa hotel ang trabaho nito. Puwedeng hiwalay ang department nito at hindi humaharap sa guest. “Kung malapit lang dito si Mr. R, kasama rin niya minsan si Nanay, meaning, nasa Pampanga nga sila!” usal niya habang hawak ang cellphone. Ang katabi niya’ng si Alejandro ay biglang nagising. Pumihit ito paharap sa kaniya. “Why are you still awake