"Uhmm... Ronalie, wala naman na kayong klase 'di ba? Bakasyon niyo na next week tama?" "Opo, tita. Bakit po?" Medyo kinabahan si Ronalie. Ang balak niya kasi sana ngayong bakasyon nila sa school ay dito lang siya sa bahay at magsusulat nang magsusulat ng mga story. Gusto niya sanang samantalahin na paganahin o paikutin ang kanyang utak para muli siyang makagawa ng kakaibang istorya. Na muling tatangkilikin ng mga mambabasa niya sa isang online publisher tulad ng una niyang akda na LAMAN at MGA BABAENG KULTO. Siya kasi 'yong writer na nagkokornehan sa mga romance genre, kaya ayaw niyang gumawa ng mga kwentong ganoon. Mas gusto niya 'yong nakakatakot, 'yong may thrill, 'yong kakaiba. "Si Lola Agnes mo kasi may sakit daw. Tumawag sa'kin ang isa niyang kapitbahay. Naawa naman ako sa mata