PART 11

1030 Words

"Kayo talaga! Lagi niyo na lang akong sinusorpresa!" sabi ni Ronalie na nakairap kina Baklang Benjie at Jeff. Sa pangtatlohang upuan sila umupo sa pangprobinsiyang bus na sinakyan nila kaya magkakatabi silang tatlo. Sa may gilid ng bintana siya, si Baklang Benjie naman sa gitna at si Jeff sa may bandang daanan. Si Baklang Benjie ang nag-set-up ng upuan nilang ganoon dahil kahit close ito kay Jeff ay pinapangalagaan pa rin siya nito. Ayaw nitong sinasamantala siya ni Jeff. Parang kuya na rin kasi niya si Benjie. Ang gusto nito ay saka lang siya mahahawakan ni Jeff kapag sinagot na niya ito. "Alangan namang hayaan ka namin doon na maburo?! Ano pa't magkakaibigan tayo?" wika ni Baklang Benjie. "Oo nga. At least may kasama ka ro'n," segunda naman ni Jeff. Napalabing nakangiti na siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD