PART 12

1272 Words

"Lola!" "Ronalie! Apo ko!" Magiliw na sinalubong ni Lola Agnes ang tatlong magkakaibigan nang makadating sila sa lumang bahay ng matanda. Nagyakap ang mag-lola. Mahigpit. At halatang miss na miss ni Lola Agnes si Ronalie. Ito kasi ang nag-alaga sa dalaga mula noong natagpuang wala nang buhay sina Aling Vergie at Erlie noon. "Ang laki-laki mo na, Ronalie! Parang kailan lang no'ng binibilhan pa lang kita ng gatas! Ngayon dalaga ka na! Ang ganda-gandang dalaga!" wika ni Lola Agnes na ngiting-ngiti. Pinapasadahan nito ng tingin ang kabuoan ng apo. "Sayang at 'di ka na nakita nina Vergie at Erlie. Siguro ay masayang-masaya sila ngayon kung nabubuhay pa sila kasi lumaki ka na maayos." Nahihiya na napatingin si Ronalie kina Jeff at Baklang Benjie. Nagdradrama na kasi ang kanyang lola.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD