"Ano pong sinabi niyo? Special child po si Aling Erlie?!" panlilinaw na tanong ni Baklang Benjie sa lolang tindera. "O--" OO dapat ang isasagot ng lolang tindera. Pero kasi ay isang malakas na boses ang pumigil dito. "Melinda!!" At boses 'yon ni Lola Agnes. Agad na napatago sa likod ni Ronalie sina Jeff at Baklang Benjie. Mukhang galit kasi si Lola Agnes na nakatungkod na palapit sa kinaroroonan nila. "Itikom mo 'yang bibig mo! Wala kang karapatan na magsabi ng kung anu-ano sa mga bata!" singhal nga ni Aling Agnes sa lolang tindera nang makalapit. Galit nga. "Pasensiya ka na, Agnes," nahiyang hingi ng dispensa ng lolang tindera. "Kayo kalimutan niyo na ang sinabi ko!" ta's baling nito sa mga magkakaibigan. "Ano'ng kalimutan?! Ang sabi mo kanina--" protesta sana ni Baklang Benji