PART 16

648 Words

"Dito na lang ako!" May takot ang tinig ng tricycle driver. "Po?! Pero ang layo pa po!" Protesta ni Ronalie na sumilip sa driver. Kasi naman sabi kanina ay bago magburol pero heto at wala pa nga sila sa burol. "Hindi na pala ako aabot sa burol! Maglakad na lang kayo!" "Pero, manong, ang usapan ay usapan!" ani Baklang Benjie. "Oo nga po kahit hanggang doon na lang po," sabi rin ni Jeff na tinuro ang 'di kalayuan. "Hindi na! Sige na! Sige na! Baba na! Dali!" ngunit panggigiit pa rin ng driver. Walang nagawa ang tatlong magkakaibigan nang iwanan sila roon. Ni hindi na sila kinuhanan ng bayad, parang takot na takot na hindi mawari ang driver. Ang creepy nito! "Ano kaya 'yon?!" inis na saad ni Baklang Benjie na pinamaywangan ang paalis na tricycle. "Suntukan na lang tayo!" pahab

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD