"Ronalie?! Nasa'n ka?!" sigaw ni Baklang Benjie. "Ronalieeeee!!" sunod ay sigaw naman ni Jeff. "Mmmmppp! Mmmmmmmpppp!!" Pagpupumiglas ni Ronalie. "Nandito ako! Tulungan niyo ako!" Gusto niya sanang itugon sa mga kaibigan ngunit nagagawa na lamang niya iyong isigaw sa kanyang isipan. Naririnig niya sila. Malinaw na malinaw pero wala siyang magawa. Napakatatag na kamay ang tumatakip sa kanyang bunganga at ng mga braso na nakapulot sa kanya habang inilalayo siya sa mga kaibigan niya. "Huwag kang malikot at maingay! Maglalaro lang tayo saglit! Magpapakaligaya tayo!" malademonyong bulong sa kanya ng masamang nilalang sa kanyang punong tainga. Saka dinilaan nito ang loob ng kanyang tainga. Kinilabutan ang buong katawan niya. Nandiri siya ng husto. Halos masuka siya. God! Sino ba ang manya