"Doon na po ako, kagawad," napakabait na hitsura ni Garry na paalam nito. Saka tinanguan bahagya si Ronalie bilang paggalang rin sa dalaga. At ewan ni Ronalie dahil kahit anong pagpapayapa niya sa kanyang sarili ay iba talaga ang pakiramdam niya sa lalaki na Garry pala ang pangalan. Nayakap niya ang sarili habang nakasunod ng pasimple ang kanyang tingin dito. "Huwag kang matakot sa kanya. Mabait 'yang si Garry," saad ni Mang Niel. Siguro ay nahalata nito ang pailalim na tingin niya kay Mang Garry kanina pa. Tipid na ngumiti lamang siya kay Mang Niel. Ngumiti rin ito sa kanya. Ibabalik sana niya ang usapan nila tungkol sa nanay niya pero kasi ay biglang bungad na sina Jeff at Benjie mula sa silid na pinaukopa sa kanila ni Mang Niel. Gising na rin pala ang mga ito. "Nandito ka lang pal