Naginhawaan sina Baklang Benjie at Jeff nang sila na lamang ulit ang nasa silid ni Ronalie. Tulog na ulit ang dalaga. Buti na lang at walang napansin ang mga doctor at nurse na kakaiba rito. "Ano 'yong nangyari?" mahinang tanong ni Baklang Benjie. Parang nanghihina itong napaupo sa upuan. "Hindi ko alam," mahina ring sagot ni Jeff. Nakahalukipkip ito na nakasandal naman sa dingding. Parehas silang nakatitig sa natutulog ng kaibigan. At hanggang sa mga sandaling iyon ay parang ayaw mag-sink-in sa kanilang isipan ang nangyaring kakaiba at nakakatakot kanina. Muli ay wala nang nagsalita sa dalawa. Natutuliro talaga sila sa nasaksihan na iyon. Naroon pa rin sa kanila ang pagkatakot, na baka biglang magigising si Ronalie at gano'n na naman. Ano'ng gagawin nila kapag gano'n ulit? Hindi p