"B-bakit ganyan siya?!" Napanganga talaga si Jeff sa nakitang hitsura ni Ronalie na parang bata. Habang si Mang Niel ay nakatitig lang sa dalaga na awang din ang mga labi. "Hindi ko alam!" Nahintakutang dahan-dahang lumapit si Baklang Benjie sa kinaroroonan nina Mang Niel at Jeff. Maang silang tatlo na pinanood si Ronalie. Minsan ay tatayo sa ibabaw ng kama ang dalaga at magtatalon-talon. O kaya ay kinakagat-kagat nito ang kumot. Parang naging isang paslit si Ronalie. "Benjie, tumawag ka ng doctor! Bilis!" mayamaya ay madiing utos ni Jeff sa baklang kaibigan at nataranta na ito na lumapit sa dalaga. Pinigilan nito si Ronalie sa mga hindi normal na ginagawa nito. "Ronalie, huwag!" "O-oo sige! Tatawag na ako ng doctor!" Akmang aalis na si Baklang Benjie ngunit pinigilan ito ni Mang