"Hoy! Sino ka?! Ano'ng ginawa mo sa asawa ko?!" singhal ng ginang sa nakatalikod na babae. Hindi lumingon si Ronalie na sinasaniban ni Erlie. Bagkus ay kumaripas ito ng takbo. Lumusot-lusot siya sa mga mayayabong na damo ng burol. Tinakasan nito ang asawa ni Ernesto na pinatay nito sa pamamagitan ng kalabaw. Walang kasalanan ang ginang para idamay niya ito... ••• "Ano'ng nawawala?!" mabalasik na tanong ni Aling Gina kina Baklang Benjie at Jeff. Naratnan ng ginang ang mga ito sa bahay ni Lola Agnes at hindi na sa ospital. Umuwi na lamang sina Baklang Benjie at Jeff sa bahay ni Lola Agnes kanina nang hindi nila mahanap si Ronalie sa ospital. Sa kasamaang palad ay wala rin pala ang dalaga sa bahay. At bago kumilos para hanapin si Ronalie ay nagpasya silang antayin muna si Aling Gina,