PART 27

1378 Words

"Manong, ipara mo!" malakas na malakas na utos ni Jeff sa tricycle driver. Hindi pa man nakakatigil ang tricycle ay bumaba na sila ni Baklang Benjie. Agad nilang nilapitan ang taong nakaupo sa gilid ng kalsada. Taong nakaupo na nakayakap ang dalawang kamay sa tuhod at nakasubsob ang ulo. "Ronalie, my gosh!" pero nakilala agad ito ni Baklang Benjie. Si Ronalie nga ang tao na iyon. Niyakap agad nito ang kaibigan. Napaangat ulo ang dalaga. Nagkatinginan sila ni Jeff. "Ronalie, buti at ayos ka lang!" natuwang saad ni Jeff dito. Subalit walang naging reaksyon ang dalaga. "Ano 'yan?!" usisa ni Aling Gina sa dalawang magkaibigan. Pero nang makitang si Ronalie ang niyayakap ng mga ito ay napaantada ang ginang. "Ronalie, Diyos ko!" At nakisiksik na rin ito. Hinawi nito si Baklang Benjie.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD