"What? Nasa ospital si Annika?!" Bulalas niya nang sagutin ang tawag ni Grey sa kanya. Sinabi ng pinsan na nawalan ng malay si Annika at nasa Saavedra Santillan ito ngayon. Sa sobrang pag-aalala nga niya hindi na niya masyadong naitanong kay Grey ang mga detalye. Agad na niyang naibaba ang tawag nang malaman kung saang ospital naroon si Annika. Halos paliparin na niya ang sasakyan makarating lang agad sa ospital. Lahat nga ng humarang sa kanyang sasakyan binubusinaan niya. Marami kasing gumugulo isip niya. Kung bakit alam ni Grey na nasa ospital si Annika. Kung bakit nito nalaman na nawalan ito ng malay. Magkasama ba ang dalawa? Hindi nga nakaligtas sa kanya ang mga pagsulyap ni Grey kay Annika nang magkasama sila sa bar. Pansin niya ang kakaibang tingin ng pinsan kay Annika. Hindi na l

