Matapos siyang kausapin ng doktora at sabihin ang good news sa kanya. Sinabihan siyang pwede ng makauwi si Annika pag nakapag pahinga na ito. Dala lang daw kasi ng pagbabago ng hormones ni Annika kung bakit ito nawalan ng malay. Wala naman daw dapat ipag-alala pa sa kalagayan nito. Pag-alis ng doktora at nurse naiwan naupo siya sa tabi ng kamang kinahihigaan ni Annika. Kung saan nakaupo din kanina si Grey. Tinitigan niya ang magandang mukha ni Annika. Mahimbing pa rin ang tulog nito. Alam niyang sa kalagayan ni Annika ngayon, hindi siya pwedeng magalit kay Annika. Bawal itong ma stress ngayon. Kaya kahit galit siya sa ginawang paglabas nito ng bahay ng walang pasabi sa kanya, na muntik pa nitong ikapahamak kay Rico, buti na lang at dumating si Grey at natulungan nito si Annika. Ganoon pa

