Pagdating sa bahay todo alalay pa sa kanya si Garreth hanggang sa makapasok sila sa silid nila. Mukhang alam na ni Garreth na nagdadalang tao siya. Dahil masyado itong sweet at mabait sa kanya, kahit na questionable ang paglabas niya ng bahay ng walang paalam. "Garreth,' tawag niya rito nang makaupo sa kama. "Yes, Annika?" Tugon nito sa sinulyapan siya. "I'm sorry," paumanhin niya. "Nag sorry ka na kanina Annika. It's ok. Basta sa susunod huwag ka ng lalabas ng bahay na mag isa. Hindi pa kasi natin alam kung ano ba ang balak ni Rico,' malumanay na tugon nito sa kanya. Nakakapanibago ang ganitong pananalita ni Garreth sa kanya. Parang hindi ito ang kausap niya. "Annika. This time you need to listen to me, and always be honest," seryosong sabi ni Garreth sa kanya. Tumango naman siya rit

