"Nagtagumpay ka ba sa plano mong mauna sa akin sa iyo si Rico?" Tanong nito sa kanya. "Magtatagumpay ako kung hindi kayo nakialam ni Kuya sa plano ko," taas kilay niyang tugon kay Garreth. Napansin niyang ngumisi si Garreth sa kanya at unti-unti na siya nitong binitiwan. Bagay na pinagpapasalamat niya, dahil kahit papano nakahinga na siya ng maluwag. Halos hindi kasi siya humihinga sa sobrang lapit ni Garreth sa kanya. "So, dumating pala sa tamang oras ang Kuya Simon mo," saad pa nito, umatras pabalik sa may mini bar at nilagyan ng laman ang kopita nito. "Kahit ganyan pala ang kapatid mo may pakinabang pala," dagdag pa nito. "Ikaw ang nag-utos kay Kuya na puntahan kami sa hotel room namin?" She asked although obvious naman na ito talaga ang nag-utos sa kapatid niya. "Paano mo nalama