Kinabukasan nakatanggap siya ng tawag mula sa pinsang si Gian. Actually kagabi pa tumatawag sa kanya si Gian, hindi lang niya nasagot sa sobrang busy niya kay Annika. Kaya naman ngayon na lang niya kakausapin ang pinsan. "Gian, what's up?" Bungad na sagot niya sa kabilang linya at nagtuloy na muna sa may bintana kung saan matatanaw ang malawak na karagatan ng isla. Ganitong umaga ang nais niyang masilayan araw-araw, napaka peaceful kasi at hindi maingay dahil sa mga sasakyan. "Hey, what happened last night? Bakit bigla ka na lang nawala?" Tanong ni Gian sa kanya. Alam niyang may nakapansin sa bigla niyang pag exit sa party ni Georgina kagabi, at heto na nga nag-uusisa na sa kanya si Gian. "May inasikaso lang ako," tugon naman niya habang nakatingin sa asul na karagatan. "Ano naman an