Dahil na rin nasa kulungan na ngayon si Rico, wala na siyang pinangangambaan. Pwede na siyang lumabas ng bahay na walang kinatatakutan. Ganoon pa man nalulungkot pa rin siya sa sinapit ni Rico, lalo na't may pamilya ito na tiyak na nalulungkot sa kinasangkutan ni Rico. Kung sana tinanggap na lang ng maluwag ni Rico na tapos na ang lahat sa kanila, tutal naman mas nauna itong nagloko sa kanya, baka nga maayos pa ang paghihiwalay nila. "Susunduin ka ng driver ni Mama para ihatid sa wedding coordinator na kakilala niya. Then susunod ako sa inyo," Garreth habang nag-aalmusal sila. Inaayos na kasi nila ang big beach wedding nila na gaganapin sa Saavedra Island. Tinutulungan sila ng Mama ni Garreth sa lahat ng dapat ayusin. "Yes, dapat sumunod ka dahil tayong dalawa dapat ang mamili ng mga ka

