"Thank you, Annika sinamahan mo ko," pasalamat ni Grey sa kanya nang maupo na sila sa loob ng coffee shop. Buti na lang at hindi sa coffee shop kung saan siya muntik ng masaktan ni Rico sila pumunta. "Sandali lang naman tayo," she said. "Ah.. Yeah," tugon nito sa kanya. "Anyway, congratulations pala sa inyo ni Garreth," sabi pa nito. "Salamat," pasalamat niya. "Kailan ba ang kasal?" Tanong nito. "Maybe next month," tugon niya. "Mauna pala kayong ikasal sa akin," sabi nito. "Ikakasal ka na?" Tanong niya, kunwari wala pa siyang idea sa pagpapakasal nito. "Yeah, forced marriage,' mariin nitong sabi sa kanya. Hindi siya nakakibo. Ayaw niyang mag komento baka mali lang ang masabi niya. Baka hindi naman makatulong sa sitwasyon ni Grey. "At least sa inyo ni Garreth true love. You love

