Halos kaladkarin niya si Annika palabas ng coffee shop sa sobrang galit na nararamdaman kay Grey. Parang sinasabi kasi ng pinsan na hindi niya inaalagaan si Annika, na pinapabayaan niya ito mag-isang magtungo sa mall. Nakaalis na siya ng bahay nang magpaalam sa kanya si Annika na pupunta ito ng mall para may bilhin, kaya naman hindi na niya ito nasamahan. Marami siyang inaasikaso sa opisina, pero always may time siya pagdating kay Annika. Lalo na ngayong buntis ito. Nagulat nga siya nang makita si Annika kasama si Grey. Actually nag ra-rounds sila ni Gian para ma check ang mga dapat i check sa mall. Nang mapadaan sila ni Gian sa coffee shop nakita ni Gian ang dalawa sa loob at nang mapasulyap siya agad na sumiklab ang galit niya kay Grey. Hindi naman inililihim ni Grey na may gusto ito ka

