"Napaka old school naman niyang panliligaw na sinasabi mo Garreth, nag e-exist pa ba iyan?" Natatawang tanong sa kanya ni Gian. Pinsan niya si Gian. Anak ito ng Uncle Giovanni niya na kapatid ng kanyang Papa na si Gavin. Mas matanda siya kay Gian, pero dahil na rin sa close sila nito ay Garreth lang ang tawag nito sa kanya at hindi Kuya. Ok lang din naman sa kanya iyon, naiilang nga siya pag may tumatawag sa kanyang Kuya. Naikwento niya kay Gian ang tungkol kay Annika, kagabi nang magkita sila ng pinsan sa bar na pagmamay-ari ng Uncle Gab nila. Nag inuman silang magpipinsan doon at nabanggit nga niya kay Gian ang tungkol kay Annika. At dahil na rin sa nakainom ito kagabi, at sinadya pa siya nitong puntahan sa opisina niya para ituloy ang kwento niya kagabi. Hindi daw kasi nito naunawaha