Kinaumagaan na niya naibaba ang bouquet na bigay sa kanya ni Garreth, dahil na rin sa biglaan ang pagdalaw nito sa bahay nila. "Ang ganda naman niyan Annika. Kanino galing iyan?" Usisa ng Mommy niya nang makitang buhat niya ang malaking bouquet. "Ah.. Eh...," alam niyang kung sasabihin niyang galing kay Rico ang bouquet hindi maniniwala ang Mommy niya. Alam din ng mga magulang niya na hindi mayaman si Rico. "Napakaganda at mamahalin ng mga ganitong bulaklak hija. May taste ang nagbigay sa iyo niyan," saad pa ng ina at hinaplos ang ilang bulaklak na kahit nakalimutan niya sa sasakyan eh maganda pa rin. "Siguro napaka espesyal mo sa taong nagbigay niyan sa iyo, Annika," saad pa ng ina at tumingin sa kanya. "Sino ba ang nagbigay?" Tanong ng Mommy niya. Ayaw din naman niyang magsinungalin