Katulad ng plano niya pagbalik nila ni Garreth sa San Sebastian ay hindi na siya pumasok pa sa kompanya nito, para na rin maiwasan na ito at hindi na lalo pang umusbong ang maling damdamin na naramdaman niya para kay Garreth sa mg panahong magkasama sila nito sa Saavedra Island. Mali ang ma inlove siya kay Garreth, dahil may relasyon pa sila ni Rico. Maling-mali na nga na ipambayad niya ang katawan kay Garreth habang sila pa ni Rico. Panloloko ang ginawa niya, wala lang talaga siyang choice kaya niya nagawa niya. Tinupad naman ni Garreth ang kasunduan na ibabalik nito ang farm sa pamilya niya. Kaya ayun tuwang-tuwa ang demonyo niyang kapatid. Nalusutan nito ang malaking problema nito ng walang kahirap-hirap at siya ang nagsakripisyo ng lahat. Siya naman ngayon ang problemado, lalo na kung