"Napapadalas ka yata dito?" Usisa sa kanya ng pinsang si Gian nang datnan siya ng kaibigan sa bar ng uncle Gab nila na umiinom. Mula ng makabalik siya ng San Sebastian wala na siyang ginawa kundi isubsob ang sarili sa trabaho maghapon, pagsapit naman ng gabi ay sa bar anv deretso niya. Umiinom siya para sa pag uwi niya ng bahay matutulog na lang siya. Kailangan niyang gawin iyon para makalimutan si Annika. Walang ibang laman ang isip niya kundi si Annika. Ang maganda nitong mukha at magandang katawan. Pagbalik nika ni Annika ng San Sebastian ay hindi na ito pumasok pa sa kompanya niya. Dahil na rin sa ayaw naman niyang magmukhang pinipigilan ito, kaya hindi na siya nag-usisa pa kung bakit kailangan nitong mag resign sa kompanya niya. Kung sana naroon pa ang dalaga sa kompanya niya at ma