Kinabukasan nag desisyon siyang magtungo sa bahay nina Annika, para makausap ang dalaga. Tama naman kasi lahat ng sinabi sa kanya ni Gian. Kung ayaw niyang matulad si Annika kay Olivia, dapat na siyang kumilos. Lalo na't may pinanghahawakan naman siya. Iyon ay ang narinig niya mismong mahal siya ni Annika. Hindi siya uminom ng alak maghapon baka kasi maamoy pa siya ni Annika. Paglabas niya ng opisina personal siyang dumaan sa flower shop para makapamili siya ng magandang bulaklak na ibibigay kay Annika. Dahil na rin sa bahay ng mga magulang ni Annika siya pupunta, kaya pati ang Mommy nito at binilhan niya rin niya bouquet. Para naman matuwa sa kanya si Mrs. De Jesus. Pangiti-ngiti pa siya habang nagmamaneho patungo sa farm ng mga De Jesus. Ilang beses rin rin siyang sumulyap sa dalawang

