"Sigurado ka na ba talaga kay Rico anak?" Tanong ng Mommy niya sa kanya nang makaalis na si Rico. Si Rico na ang bumisita sa kanya sa bahay nila dahil hindi pa rin siya nakakapasyal rito. Although nagkausap naman na sila nito. Sinabi na lang niya naging busy siya sa trabaho kaya halos hindi niya ito matawagan. Naniniwala naman si Rico sa mga alibi na sinabi niya, kaya nalusutan niya ang problema. Saka na niya iisipin kung paano aaminin kay Rico ang tungkol kay Garreth. Sinadya na raw kasi siya ni Rico, dahil wala pa rin siyang paramdam rito matapos ang nangyari sa kanila sa hotel. Naglakas loob na raw ito na magtungo sa bahay nila, kahit alam daw nitong pwede siyang makita ng Kuya Simon niya na nagpabugbog rito noon. Ayon kay Rico, hindi naman daw ito hinarap ng kapatid niya. Ang mga go

