Ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para makawala kay Garreth. Hindi niya ito hahayaang walang kahirap-hirap nitong magagawa ang gusto nito sa kanya. Paninindigan niya ang sinabi niya sa sarili niya na sasabayan niya ang galit ni Garreth. Hindi siya basta-basta lalambot rito dahil pinag-iisipan siya nito ng masama, samantala ang dami na niyang nagawang kasalanan para lang rito, dahil sa sobrang pagmamahal niya rito, nagawa niyang lokohin si Rico, bagay na buong buhay niya, hindi niya inakalang magagawa niya. Pagkatapos pagdududahan pa siya nito at basta na lang babalewalahin. Hindi yata tama iyon. Para makawala kay Garreth kinagat niya ang ibabang labi nito. Napahiyaw pa si Garreth sa sakit. Sinamantala naman niya ang pagkakataon para maialis ang kamay nito sa bewang niya. Nang maga

