"Ahhhh...," ungol niya nang iwan ni Garreth ang labi niya para sumagap sila ng hangin dalawa, dahil kanina pa sila naghahalikan ni Garreth. Nalipat ang labi ni Garreth sa may leeg niya, habang ang mga kamay nito ay nasa magkabilang dibdib niya. Kumakabog ang dibdib niya, nag-iinit ang buong katawan niya, at hindi niya magawang sawayin si Garreth sa kalapastanganang ginagawa nito sa katawan niya. Alam niya ang nangyayari at tutol ang matino niyang kaisipan sa nangyayari, pero iba naman ang sinisigaw ng kanyang katawan na tila ba kilala ng kanyang katawan ang mga haplos ni Garreth rito. Ni hindi nga niya mapigilang umungol sa kakaibang init at sarap ng hatid ni Garreth sa katawan niya. Hindi pa nila inabot ni Rico ang ganitong bagay, pero umabot naman na sila ni Rico sa matagal na halikan