Pagbaba niya narinig niyang may kausap si Garreth sa may sala. Napalingon pa ang mga ito sa kanya nang marinig siya. "Magandang araw po Ma'am," bati sa kanya ng may edad na babae. Nakangiti ito. "Magandang araw po," alanganing bati niya. "Ah.. Manang siya si Annika, ang bisitang sinasabi ko sa iyo," Garreth said. Medyo nagtaka pa siya kung bakit bisita na lang ang pakilala ni Garreth sa kanya, at hindi na girlfriend, katulad ng pakilala nito sa kanya sa may bayan. Ang bilis naman palang magbago ng mood ni Garreth. "Annika, siya si Manang Luring ang caretaker dito sa Isla," pakilala naman ni Garreth sa matandang babae. Ngumiti naman siya sa babae. "Napakaganda mo ineng," puri pa ng matanda sa kanya. "Salamat po," pasalamat niya. "Ah.. Manang, kayo na po muna ang bahala dito sa bahay.