Point of view - Prince Chester Alimond - Mahigpit ang hawak ko sa manibela ng aking kotse. Maingat ang ginagawa kong pagmamaneho dahil isang prinsesa ang katabi ko ngayon. Hindi ko masabi kung mahimbing ang kanyang pagkakatulog dahil nababakas pa rin ang lungkot sa kanyang mukha. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanila ni Lenard, ngunit masakit para sa akin ang makitang ganito si Mikay. Inaamin ko, kahit lumipat na ako ng eskwelahan noon. Kahit na lumayo ako upang magparaya, hindi pa rin nawala ang nararamdaman ko sa babaeng ito. Siguro ganoon lang talaga ako kapag tuluyang nahulog, solid! Sinubukan kong umalis noon dahil ayoko nang masaktan pa. Tiniis ko ang mga panahong sana ay kasama ko pa rin siya, kahit na nakatanaw lang ako sa malayo. Kahit gaano pa kahirap na hindi ko siy

