Point of view - Mikaela Sandoval - "P-Prince?" gulat kong saad nang makita ko si Prince sa aking harapan. "Sabi ko na, ikaw nga! Anong ginagawa mo rito?" "K-Kasi itong bata," nag-aalinlangan kong wika "Raze!" Naputol ang aming pag-uusap at sabay na napatingin sa pinto hindi kalayuan sa aming kinaroroonan. Isang lalaking tantya ko ay nasa singkwenta anyos na ang niluwa ng pinto na iyon. "Daddy!" sigaw ng bata na nasa aking likuran sabay sa pagtakbo nito patungo sa lalaking tinawag niyang daddy. Sa paglapit ng bata sa kanya, agad niya itong niyakap at binuhat sa kanyang bisig. Matapos iyon ay nagsimula siyang lumakad patungo sa aming kinaroroonan. "Pasensya na kayo, Ms. Mikay. Inabala ba kayo ng aking anak?" tanong niya sa akin na may mababang tinig. "H-Hindi naman po. Ako nga po a

