Chapter 56

2439 Words

Point of view - Mikaela Sandoval - Mariin ang pagkuyom ng aking kamay habang nakatingin sa mga batang sumisigaw at kinukutya ang aking hitsura. Ano ang pinagmumulan ng galit nila sa akin? Wala naman akong ginawa ngunit ganito nila ako tratuhin. Nais ko lang naman ay magkaroon ng kaibigan at makatanggap ng pantay na pagtingin mula sa mga batang kaeskwela ko. Ngunit hindi ganoon ang nangyari, mas lalo pa akong kinutya at pinagtawanan ng mga bata. Mas lalo pa nilang pinaramdam sa akin na hindi ako tanggap sa mundong aking ginagalawan. Sa araw-araw na ginawa ng diyos, walang araw na hindi ako nakaramdam ng kaba sa tuwing ako ay pumapasok sa eskwela. Iyong pakiramdam ko ay papasok palang ako, nais ko nang umuwi. At sa paglipas ng oras, madalas akong umuwi na lumuluha, dahilan upang mapaaway

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD