Point of view - Mikaela Sandoval - Nanginginig ang aking kamay habang nakahawak ito sa manibela. Hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa aking isip ang hitsura ni Lenard. Tila paulit-ulit na nagpapakita sa aking isip ang kanyang mukha. Kung gaano kagalit at katalas ang kanyang mga mata. Siguro, kahit anong gawin ko, hindi ko na maibabalik ang dating kami, na ang relasyon at trato niya sa akin ay hindi na maibabalik. Matapos ang ilang taon kong pangungulila. Matapos ang mahabang taon na paghihintay at pananabik na muli siyang makita. Hindi ko akalain na mas masakit pa pala ang aking mararanasan nang makita ko siyang muli. Narinig ko ang sunod-sunod na pagkatok sa aking bintana. Marahan kong nilingon ang aking ulo sa kinaroroonan ng nadirinig kong katok. At nang makita ko kung sino ang

