Point of view - Mikaela Sandoval - Matapos kong basahing mabuti ang mga proposal na nasa aking harapan, ilang lagda ang iniiwan ko sa mga papeles na ito upang aprobahan. Paulit-ulit ngunit habang tumatagal ay unti-unti ko na rin naman itong natatapos. Dahil sa dami ng trabaho na pumapasok ngayon at sa paglawak ng branches ng aming kompanya, kabikabila ang mga meeting na aking dinadaluhan. Kung minsan, sinisigurado ko na rin na ako ang aattend sa meeting ng mga board members upang maging abala rin ang aking isip, sa pamamagitan nito, mas lumalalim ang kaalaman ko pagdating sa negosyo. Nagdesisyon din kami na magtayo ng maraming branch sa iba't ibang bansa at dahil dito, mas lalong nakikilala at sumisikat ang pangalan ng mga Monteverde. Ang masikip kong mundo ay mas sumisikip. Tila hirap

