Point of view - Mikaela Sandoval - Sa paglipas ng araw, hindi ko akalain na mapipilitan akong sumali sa mga ganitong klase ng contest. Maging ako ay nabigla sa aking desisyong pagsali rito, ang alam ko lang, nadala ako sa bugso ng aking damdamin. Simula nang malaman kong sasali si Lenard sa pa-contest na iyon at hindi ako ang kanyang kapareha, pakiramdam ko ay may kung anong galit at inis ang bumalot sa aking puso. Tila nais kong ako lang ang kanyang nakikita, na ako lang ang kanyang kauusaping babae. Mariin kong iniling ang aking ulo, saka mahigpit na niyakap ang aking unan. Kasalukuyan kasi akong nasa aking silid dahil kagigising ko lang, pakiramdam ko nga ay hindi ako nakatulog. Sa pagdiin ng aking mukha sa hawak kong unan, unti-unting lumilinaw sa aking isip ang mga bagay na aki