Point of view - Mikaela Sandoval - "P-Prince," nauutal kong wika nang makita ko ang galit at lungkot na nababakas sa mukha ni Prince. Alam ko sa sarili na matagal ko na itong ninanais, na matagal ko nang gustong ibalik ang sakit na pinaramdam niya sa akin noon. Ngunit hindi ko akalain na ganito pala ang pakiramdam ng makasakit ng damdamin ng iba. Paano nila nakaya ang pagdurog sa aking puso noon? Samantalang ako ngayon ay inuusig ng aking konsensya. Padabog na umalis si Prince at lumakad palayo sa aming kinaroroonan. Pakiramdam ko ay kailangan kong ipaliwanag sa kanya ang lahat. Pakiramdam ko ay nais kong tapusin ang ginagawa kong pasakit sa kanya sa isang mabuting paraan. Sinimulan kong ihakbang ang aking paa, ngunit nang gawin ko ito, naramdaman ko ang kamay ni Lenard na pumigil sa