Chapter 30

2116 Words

HARPER KAHIT hanggang sa makarating kami sa opisina ay tila wala pa rin ako sa sarili at nananatiling malalim ang iniisip. Gano'n pa man, hindi nakaligtas sa akin ang makahulugang tingin na ipinupukol ng bawat taong makasalubong namin paakyat sa palapag kung saan naroon ang aking opisina. "I'll see you at lunch," paalam ni Mikhael nang bumukas ang pinto ng elevator kung saan ito nagtatrabaho. Isang pilit na ngiti lamang ang aking tinugon dito. Kasunod nang paglabas ni Mikhael ay siya namang pagsakay ng ilang mga empleyado rin ng kompaniya. Kapansin-pansin ang kakaibang tinging ibinabato nila sa akin. I suddenly felt uncomfortable. Wala akong kilala ni isa sa mga ito ngunit bakit kung makatingin ang mga ito ay tila hinuhusgahan nila ang buo kong pagkatao. Bawat minutong lumilipas na nasa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD