HARPER NAGMAMARTSA akong bumaba ng kotse ilang segundo pagkatapos niyang iparada ang sasakyan sa garahe. Kapansin-pansing walang sumalubong sa amin kahit isa katulad nang madalas nilang ginagawa. Subalit hindi ko na iyon masyadong pinagtuunan ng pansin. Mas nangingibabaw sa mga oras na ito ang aking inis para kay Uncle Greyson. Dumiretso ako sa loob ng mansyon. Agad na bumungad sa akin ang tahimik na paligid. Ipinagkibit-balikat ko lamang iyon bago dumiretso sa loob ng aking silid. Matapos kong maisara ang pinto ay pabagsak akong humiga sa aking kama. Nakatitig lamang ako sa kisame habang paulit-ulit na binabalikan ang mainit na tagpo na namagitan sa amin ni uncle kanina. I'm not sure if I can consider that as s3x. Hindi man malinaw kung ano ang totoong estado ng aming relasyon, masaya