HARPER DAHIL s'ya na ang nagluto kaya't ako na ang nagpresentang maglinis ng lamesa at mahugas ng mga platong pinagkainan. Hindi na rin naman ito tumutol at hinayaan na lamang ako. Ang buong akala ko ay aalis na ito at babalik sa kaniyang kuwarto ngunit napataas ang aking isang kilay nang sa halip na umalis ay nagsalang ito ng ground coffee sa coffee maker. Nanatili itong nakatayo sa harap ng coffee maker habang hinihintay na matapos iyon. Bagama't nagtataka ay hinayaan ko na lamang s'ya. Tapos na akong magligpit ng lamesa nang magsimula siyang magsalin ng freshly brewed coffee sa isang maliit na tasa bago muling umupo sa harap ng lamesa. Pakiramdam ko tuloy ay sinasadya nitong hindi umalis upang bantayan ako. Sumunod kong kinuha ang place mat sa ibabaw ng lamesa at ibinalik iyon sa ca