HARPER NASA gate na ako ng mansyon nang dukutin ko ang aking cellphone mula sa aking bag. Kanina pa tawag nang tawag si Uncle Greyson ngunit hindi ko iyon sinasagot. Sa pagkakataong ito ay naisipan ko nang sagutin ang kaniyang tawag tutal ay nakauwi naman na ako. "Where the hell are you, Harper? Kanina pa tapos ang trabaho mo, 'di ba? Bakit wala ka pa rito?" inis na bungad ni uncle sa kabilang linya. "I'm home already," kaswal kong tugon. "Are you fcking kidding me? Haven't you read my text? Hindi ba't sinabi kong susunduin kita ngayon?" He hear the frustration in his voice. "Nabasa ko," tugon ko. "And? 'Yon lang ang sasabihin mo? Do you have any idea how long I have been waiting for you here?" "Exactly four hours and ten minutes, uncle," sarkastikong turan ko. Pigil ko ang aking n