HARPER SA HULI ay si Uncle Greyson pa rin ang nagbayad ng aming kinain. Si Betty naman ay hindi tumigil ng kakatanong tungkol sa aming dalawa. Mabuti na lamang ang napigil ito ni Mikhael. Matapos ang tanghalian ay umalis na rin si Uncle Greyson. Pakiramdam ko ay parang bigla akong magkakasakit dahil sa mga hindi inaasahang kaganapan ngayong araw. Nangangalahati pa lamang ang araw ngunit parang pagod na pagod na ang katawang lupa ko. "Mangako ka na walang kang pagsasabihan kahit sino nang tungkol dito, okay?" bilin pa ni Mikhael kay Betty habang pabalik kami sa opisina. "Oo naman, 'no? Promise! Peksman, mamatay man," wika nito habang nakataas ang kaniyang kamay. "Pero grabe, ang guwapo ng uncle mo. Single pa ba s'ya? Reto mo naman ako," dagdag pa nito. Mahinang binatukan ni Mikhael si B