HARPER MUNTIK pa akong mapahiyaw nang bigla niya akong buhatin mula sa island counter. Awtomatikong pumulupot ang aking braso sa kaniyang leeg habang ang aking mga binti at nakapulot sa kaniyang baywang. "Put me down. Baka matumba tayo," turan ko ngunit nagmistulang bingi lamang ito at pinilit na siniselyuhan ang aking mga labi ng kaniyang halik. Nangangamba akong baka magaya ito sa akin kanina na naaksidente dahil hindi ko makita ang aking dadaanan. Kung para sa akin ay mahirap na iyong mangapa sa dilim, ano pa kaya ito na buhat-buhat ako at ang kaniyang atensyon ay nakatuon sa akin imbes na sa aming daraanan. "Greyson!" saway ko rito nang patuloy lamang ito sa pagpupok ng halik sa aking mga labi at sadyang binabalewala ang aking sinasabi. Ngunit nang marinig niyang tinawag ko ang