HARPER TAHIMIK lamang akong pinanonood ito habang abala siya sa pagluluto ng aming hapunan. I wanted to offer some help but then I remember that I had no knowledge about cooking. Kahit kasi noong nabubuhay pa ang aking ina ay hindi niya ako pinakilos sa kusina. Mas gusto nitong ito ang nag-aasikaso at naghahanda ng aking pagkain bago pumasok sa eskwela. At nang lumipat naman ako sa bahay ni Uncle Greyson ay marami itong kasambahay na siyang naghahanda ng lahat ng aking kakailanganin. He moves gracefully around the kitchen. Halatang sanay na sanay ito sa pagluluto. I wonder where he learned how to cook. Siguradong marami rin itong kasama sa bahay noong naninirahan pa ito sa ibang bansa. Marahil ay sadyang mahilig lang talaga itong magluto. Habang abala si uncle sa pagluluto ay matiim ko