HARPER NAGSISIMULA nang kainin ng dilim ang paligid ngunit hindi pa rin nakakabalik ang eroplanong dapat sana ay maghahatid ng aming mga gamit patungo dito sa isla. Mas lalong ding nagngitngit ang langit at walang tigil ang ulan simula pa kanina. Kinulong ko ang aking sarili sa loob ng kuwarto kaya't wala akong ideya kung anong nangyayari sa labas. Dahil nagsisimula nang dumilim ay inumpisahan ko nang buksan ang ilaw sa kuwarto. Napapitlag ako nang makarinig ako nang malakas na putok kasabay nang pagkislap at pagkawala ng ilaw sa aking kuwarto. Napasigaw ako dahil sa takot at napaupo habang natalukbong ang aking mga braso sa aking ulo. Ilang saglit lang ang lumipas ay humahangos na dumating si Uncle Greyson at patakbong pumasok sa loob ng aking silid. "What's wrong? Are you okay?" natat