HARPER HINDI ko namalayang nakatulog pala ako sa biyahe. Nagising akong mag-isa sa loob ng sasakyan. Kinusot-kusot ko ang aking mata at tumingin sa labas ng bintana. Halos wala akong maaninag sa labas dahil sa lakas ng ulan. Nagpalinga-linga ako upang magkaroon ng ideya kung nasaan kami. It didn't take long before I realized that we were in a port. Naalala kong nabanggit nito kanina sa may Mindoro kami pupunta. Makalipas ang ilang minuto ay patakbong bumalik si Uncle Greyson sa sasakyan bitbit ang isang maliit na payong. Binuksan muna nito ang pinto bago tiniklop iyon. Tumutulo ang tubig mula sa payong nitong hawak kaya nag-alok akong tulungan ito. "Let me take that," tukoy ko sa payong nitong hawak. "It's okay. You're going to get wet," sagot nito. Bahagya akong natigilan dahil sa k