Maaga akong nagising kinabukasan tinulungan ko si Manang Miding na maglinis ng bahay ko dahil mamaya ay ihahatid na si Rux dito. Gusto kong makita ng mga ito na malinis ang paligid at maganda ang kapaligiran na titirahan ni Rux. "Dapat ay nagpapahinga ka pa, Openg. Halos wala ka pa yatang tulog dahil sa pag-aayos sa kuwarto ni Rux," nag-aalalang sabi ni Manang Miding sa akin. "Naku... kaya ko pa naman, manang. Matagal akong naghintay na makasama ang anak ko kaya ginagawa ko ang lahat ng ito para sa kaniya." Doon na nga kami natulog nina Joshua at Nathan dahil inabot na kami ng umaga sa paglalagay ng mga decorations. Excited kasi ang kapatid ko na makalaro nito ang pamangkin. At si Nathan naman ay excited na makita si Rux, kung sino raw ba ang kamukha nito. Iniwan ko ang dalawa na mahim