Kinarga ni Daniel ang anak ko patungo sa guest room. Maingat nitong inilapag ang anak ko sa kama at saka kinumutan. Pagkatapos ay isinindi nito ang aircon sa katamtamang lamig. Nilingon niya ako at saka ngumiti bago muling ibaling sa aking anak ang paningin nito. "Maamo ang mukha ni Rux katulad mo, Openg. Magkamukha kayo kapag tulog siya." Muli niya akong tinapunan ng tingin. "Malakas pa rin ang dugo ni Ram sa anak niya." "Naisip mo ba na p'wede pa rin ninyong mabuo ang pamilya ninyo?" malungkot na bumuga ng hangin si Daniel at nagpamulsa ng kamay. "P'wede pang bigyan mo ng chance si Ram para mabuo ang pamilyang---" "Dati iniisip ko ang bagay na iyan pero hindi na ngayon. Naisip ko na para sa anak ko kaya gusto kong maging buo ulit kami pero para ko na ring hinayaan na malugmok muli an