Inihatid kami ni Daniel kinabuksan sa bahay ko, dalawa na lamang kami ni Rux dahil nagpaiwan si Joshua sa bahay ni Daniel. Papasok na kami sa may gate nang businahan kami nang paulit-ulit ng isang kotse na nasa tabi ng gate. Inihinto ni Daniel ang kotse at bumaba ito na nakangiti sa akin. Sinalubong kami ni Salve na halata ang pag-aalala sa mukha nito. Bumaba kami ng kotse ni Rux at mabilis na binuhat ni Salve ang anak ko papasok ng gate. Nakita ko na sinenyasan ni Salve si Celso na isara ang gate. Binalingan ko ang kotse ni Ram at lumabas ito doon na galit na galit habang nakatingin sa amin ni Daniel. "Ang lakas talaga ng loob mo na isama ang mag-ina ko sa bahay mo. Ganiyan ba kalaki ang tiwala ni Openg sa iyo?" singhal na tanong ni Ram kay Daniel. "Sandali lang, Mister Salazar. Hindi